Sunday, January 27, 2013

kailan


Malapit na naman ang local election. Panahon upang magluklok ang taong bayan ng mga kandidatong mamumuno sa atin. Ang dami nilang magagandang pangako. Pero pag sila ba ay nakaupo na sa kanilang pwesto, sa tingin nyo ay maaalala pa nila ang mga taong dahilan ng kanilang pagkakapanalo? Siguro may pailan-ilang gumagawa nito.

Sana naman ay magbago na ang gawi ng ating mga mambabatas. Sana ay tuparin na nila ang kanilang pangakong paulit-ulit na lang naririnig tuwing panahon ng kampanyahan. Ngunit pagkaraang manalo ay pang sariling kapakanan na lamang ang ginagawa at kinalimutan na ang kanyang tungkulin sa bayan. Kurakot dito, kurakot duon ang inaatupag. At pag di pa nakuntento ay kurakot pa ulit sa banda duon pa. Kailan ba titigil si Juan dela Cruz na magpa-uto sa mga ganitong klase ng tao?  Oo, "tao" ang tawag ko sa kanila.

Mga taong tunay na tumutulong sa masa. mga nagnanais ng pagbabago sa atin lipunan. Mga mambabatas na gustong iahon ang bawat pilipino sa kahirapan. Hindi yung puro pagpapasarap at pagnanakaw ng pera ng sambayan ang alam gawin. Mga pinunong magbibigay ng sapat na trabaho para kay Juan dela  Cruz upang magkaroon ng sapat na pagkain ang bawat pamilya at edukasyon para sa mga susunod na henerasyon.

Ito, ito sa palagay ko ang masasabi nating mga tunay na pinuno.